Not a member? Register now!
Announcements
Manga returns! Catch up with the details. Enjoy downloading, translating, and scanlating manga HERE legally!
Like us on Facebook, follow us on Twitter! Celebrate another year with MH and read our yearbook.
Manga News: Check out this week's new manga (8/18/14 - 8/24/14).
Forum News: Visit new sections for Nisekoi and Kingdom!

Bleach 248

Bleach Chapter 248

fo
+ posted by mangadictus as translation on Oct 21, 2006 00:27 | Go to Bleach

-> RTS Page for Bleach 248

Tala: Salin ito sa pagsasalin ni pocketmofo. Pakiusap po, bigyan nyo po sya ng kaukulang pagkilala kung nais nyong gamitin to.


Pahina 1:

TalaKaliwa: Para kanino lumiliyab ang mga matang yan, at ang pagwasiwas nyang espada!?

Orihime: Para...sagipin ako...

Ulquiorra: ...Oo.

Ulquiorra: Pero, sa ngayon ay walang halaga na dapat yan sayo.

Ulquiorra: Sa isip at pagkatao, kabahagi ka na namin.


Pahina 2:

Ulquiorra: Ang pagsuot mo nyan ay siyang nagpapatunay, Inoue Orihime.


Pahina 3:

Orihime: ...Opo.

Ulquiorra: Kung gayon ay sabihin mo...

Ulquiorra: Para kaninong kapakanan ba kung bakit nabubuhay ang iyong isip at pagkatao?

Orihime: ...Opo.


Pahina 4:

Kabanata 248 – Para mabuhay at bumalik muli sa lugar na ito...

TalaKaliwa: Sumiklab ang mga salita---...

Orihime: Para kay Aizen-sama... at kanyang mga hangarin.


Pahina 5:

Ichigo: Nakapasok ba tayo?

Renji: Parang ganun nga. May umiihip na hangin eh.

Neru: Ano..ano bang ginagawa nyo?? Kung kinailangan nyo ng pintuan, mayroong isa na tatlong araw na lakad lang mula dito!!

Ichigo: Tanga, hindi to bahay ng isang kaibigan. Hindi basta-basta't papasok na lang tayo sa harap na pintuan.

Renji: At wala rin tayong panahon para maglakad ng tatlong araw.

Ichigo: Neru...


Pahina 6:

Ichigo: Salamat. Salamat sa paggabay mo sa amin ng ganito kalayo...

Ichigo: Pero kung idadamay nyo pa rin ang mga sarili nyo sa amin, kikilananin kayong mga traidor...magpapaalam na kami.

Ichigo: Kita tayo ulit!

Neru: Hintay!

Brothers: Ah!! Neru!!


Pahina 7:

Neru: Mga...mga traidor na kami mula nung nakita kami ni Runuganga-sama!!

Neru: Baka, baka nga namataan na kami bago pa nyan...baka nga nakita na ni Aizen-sama ang lahat nang ito!!

Neru: Siguradong hindi yan mapapatawad ni Aizen-sama!!

Neru: At kahit na sakaling patawarin kami ni Aizen-sama, siguradong hindi ang Espada!!

Neru: Kung hindi nyo kami isasama, papatayin kaming lahat!! Kung hindi nyo kami isamsama...kung hindi nyo...Ako'y...

Neru: Iiyak ako!! Waaaaaaaaaaaa!!! WAAAAAAA!!!

Neru: Bobong Ichigo...kalbo...

Neru: Panot..!!

Ichigo: Oo na, oo na!! Tama na'ng iyak!!

Neru: Baog!!

Ichigo: Hindi ako baog!!

Rukia: Ano bang sinisigaw-sigaw nyo dyan?

Neru: Birhen!!

Ichigo: Tumahimik ka sabi!!


Pahina 8:

Ichigo: Sobrang haba naman ng pader na to...hanggang saan pa kaya to...masyado namang madilim at wala akong makita...

Renji: Hayaan mo, akong bahala dyan...

Ichigo: Ano? May nakita kang paraan?

Renji: Tumahimik ka na lang at manood!

Renji: Kung tatantsahin mo lang ng konti, pwede mong gamitan ng kidou ang mga bagay na to.

Renji: Hadou 31 – (*Destructive Arts #31) (*Sining ng Pamiminsala Ika-Tatlumpo't Isa)

Renji: Shakkahou (*Red Cannon/Ball of Fire) (*Pulang Kanyon/Bolang Apoy)

Ishida: Oy...kaliit nyang ilaw mo ah. Hindi ko alam na matimpiin ka pala.

Renji: Tumahimik ka nga!


Pahina 9:

Rukia: Tanga...alam mong mahina ka sa kidou pero pinipilit mong maging presko kaya isinasagawa mo ito nang hindi sinasabayan nang seremonya!

Ichigo (tinatapik si Renji sa balikat): Huwag kang magalala...masusundan ka pa rin namin sa pamamagitan nyang malaking pulang buhok mo.

Ichigo: Oo, parang kagaya nung usa na may pulang ilong na parating pinaguusapan ng mga tao...

Renji: TUMAHIMIK KA!!

Ishida: Mukhang nakapasok na tayo...

Chad: Sa inaasahan, madilim rin ang lugar na to...


Pahina 10:

Ishida: Sanga-sangang daan, ha...

Renji: Mukhang nakarating tayo sa isang hindi kaaya-ayang lugar.


Pahina 11:

Ichigo: Nell...Sa tingin ko ay panahon na para magpaalam kami ngayon.


Pahina 12:

Ichigo: Sa palagay ko ang reiatsu sa unahan ay isang bagay na hindi nyo makakayanan...!


Pahina 13:

Chad: May limang daanan...

Ishida: Sa tingin ko ay wala tayong magagawa kundi ang iisa-isahing pasukin ang mga daan ng magkasabay.

Rukia: ...Hindi.

Rukia: Tig-iisa tayong lima na papasok sa mga daanan ng sabay-sabay.

Ishida: ...Iyan ay..

Ichigo: Ano ka ba? Mga Espada ang kalaban natin! Mas maigi kung isa-isa nating papasukin ang mga daan ng magkasabay!

Ichigo: At hindi rin natin alam kung isa-isa silang susulong...kahit na magkahiwalay pa tayo...

Renji: Tama na yan...


Pahina 14:

Renji: Ang pagpapakita ng malasakit sa kapwa mangdirigma sa gitna ng sagupaan...ay isang pagdusta sa mangdirigmang yon.

Rukia: Sabay-sabay tayong lahat...? Sa tingin ko ay parang sinasabi mo lang yan dahil nagaalala ka sa akin. Parang hindi ikaw yun, Ichigo.

Rukia: Sinabi ko na sayo. Huwag kang magalala sa akin. Hindi ako pumarito para ipagtanggol mo!


Pahina 15:

Ichigo: Sige. Maghihiwa-hiwalay tayong lima.

Renji: Ayos! Umusal muna tayo nang maikling seremonya bago tayo umalis!

Ichigo: Seremonya?

Renji: Oo. Para na yang isang tradisyonal na ritwal ng Labintatlong Dibisyon na isinasagawa bago sumabak sa isang malaking sagupaan. Pero wala na ito sa uso ngayon kaya halos lahat ng mga dibisyon ay hindi na nagaabalang gawin ito. Pero naisip ko lang na ito ay isang bagay na dapat gawin sa mga oras na ito.

Renji: Hoy!! Sige na! Ilabas nyo ang mga kamay nyo!! Huwag nga kayong umasta na kuwari'y ayaw nyo!! Ayaw ko ring gawin to eh!!


Pahina 16:

Renji: Tayong lahat! Sa mga sandaling ito na sasabak sa sagupaan!!

Renji: Maniwala! Maniwala na ang espada natin at hindi mawawasak!

Renji: Maniwala! Maniwala na ang mga puso natin ay hindi mababasag!

Renji: Kahit na magkahiwalay ang mga landas natin...magkasama pa rin ang mga bakal nating kalooban!

Renji: Isumpa! Isumpa ninyo na kahit gumuho pa ang lupa sa ilalim natin...


Pahina 17:

Renji: Na mabubuhay tayong lahat...

Renji: ...at mababalik muli sa lugar na ito!!


Pahina 18 at 19:

TalaKaliwa: Ang landas nila ang nagkahiwalay sa lima!! Subalit, ang kanilang mga saloobin ay nananatiling magkaisa!!

Have you shown your appreciation today? Click the thanks button or write your appreciation below!

Comments
Add your comment:

Login or register to comment

Benefits of Registration:
    * Interact with hundreds of thousands of other Manga Fans and artists.
    * Upload your own Artwork, Scanlations, Raws and Translations.
    * Enter our unique contests in order to win prizes!
    * Gain reputation and become famous as a translator/scanlator/cleaner!
#1. by mayoi (Translator)
Posted on Jul 5, 2009
kulang nalang eh scanlation hehehe

About the author:

Alias: mangadictus
Message: Pm | Email

Author contributions

Translations: 30
Forum posts: 3166

Quick Browse Manga

collapse

Translations of this Chapter

Date Chapter Language Translator
Oct 19, 2006 248 en pocketmofo
Oct 19, 2006 248 en WinterLion
Oct 19, 2006 248 en AkiDotress
Oct 19, 2006 248 de Twoshirou
Jan 27, 2009 248 en molokidan
collapse

Latest Site Releases

Date Manga Ch Lang Uploader
Mar 1 MH Yearbook 2013 Mangahe...
Jan 19 MH Yearbook 2012 1 Mangahe...
Nov 14 Houkago 1 Osso
Nov 14 Oragamura 1 Osso
Nov 14 Kenka 1 Osso
Nov 14 101Kg 1 Osso
Nov 14 Murder 1 Osso
Nov 14 Doubles 1 Osso
Nov 14 Pinknut 1 Osso
Nov 14 Kimagure 1 Osso
collapse

Latest Translations

Date Manga Ch Lang Translator
Aug 27, 2014 3-gatsu no Lion 38 en kewl0210
Aug 26, 2014 UQ Holder! 20 fr Aspic
Aug 26, 2014 Galaxy Express 999 20 en Hunk
Aug 26, 2014 Chrono Monochrome 32 en aegon-r...
Aug 26, 2014 Ring 4 en kewl0210
Aug 26, 2014 Hitoribocchi no... 17 en Bomber...
Aug 25, 2014 Galaxy Express 999 19 en Hunk
Aug 25, 2014 Mayonaka no X Giten 3 en Dowolf
Aug 25, 2014 Beelzebub, side... 3 fr Erinyes
Aug 25, 2014 Mayonaka no X Giten 2 en Dowolf