Not a member? Register now!
Announcements
Celebrate MH's birthday and the RETURN OF MANGA!! Start downloading, translating and scanlating manga HERE - legally!
Like us on Facebook, Follow us on Twitter! Celebrate another year of MH and check out our yearbook.
Manga News: Check out this week's new manga: (4/7/14 - 4/13/14).
Site News: Check out our new sections: Nisekoi and Kingdom
Events: Nominate and vote for the winners in the Seinen Awards!
Translations: Gintama 489 by kewl0210 , One Piece 744 by cnet128 , Naruto 672 by aegon-rokudo , Bleach 576 (2)

One Piece 436

One Piece Chapter 436

fo
+ posted by mangadictus as translation on Dec 1, 2006 01:08 | Go to One Piece

-> RTS Page for One Piece 436

Pahiwatig: Salin ito sa pagsasalin ni pocketmofo. Pakiusap po, bigyan nyo po sya ng kaukulang pagkilala kung nais nyong gamitin to.


Pahina 1:

Kabanata 436: "Ang Pantalon na galing sa Bahay Franky"

Kaliwang Tala: “Nagsisisi si Tinyente Spency na naglaho ng kalaban sa harapan nya"


Pahina 2:

Kaliwang Tala: Ang usapan nila'y tungkol sa bagong mga Patong*...

*Bounty

Zoro: Kinalimutan nyo na yung mga nangyari sa inyo ni Ussop, 'di ba? Yan ang punto ng pinaguusapan natin dito...

Luffy: Hoy, hanggang kelan ka ba uupo't magtatampo dyan? Ang laking nga ng Patong mo kahit kaunaunahan mo pa lang.

Sanji: Tumahimik ka nga!! Ba't ako lang dito yung parang ginuhit!? Pano ba naging ako yan, ha!!?

Zoro: Parang ikaw nga...

Sanji: xxx×~ *'di maintindihan*

Zoro: Magsalita ka ng maayos. 'Di ka namin maintindihan.

Sanji: Pagtatawanan lang ako...ng mga babae sa buong mundo.

Nami: Naisahan ako...sabi nya isa syang kolumnista ng isang lokal na babasahin...lumabas namang maganda yung litrato kaya ayos lang, pero para ako na magka Patong din...

Chopper: Pirata rin ako! Lumaban ako na parang isang lalaki! Pero sa 50 beri na 'to, magrereklamo ako!!

Luffy: Okey lang...galingan mo na lang sa susunod!


Pahina 3:

*Sa tapat ng Galley-La

Zanpai: Dalian mo! Naghihitany si Kuya!

Batang maliit: Aalis na kayo, mga babaeng Pirata?

Wala sana kaming nakalimutan! 'Pag nakuha na namin si Franky at ang barko, maglalayag na kami.

Ayaw kumilos ni Sanji.

Zoro: Hayaan mo na lang sya. Matampuhin.

Sanji: Ano!!?

*Sa may Himpilan ng mga Marino

Ang mga taong 'to ANG natatangi sa mga natatangi. Kahit sa kaliit na grupo...lahat sila ay may mga Patong...

Ang suma-tutal ng Patong nila ay umaabot ng 600 milyon. At bakit ang lalaki na paang itim...ay walang litrato?

Atacchan: Ha...eh...nakunan namin...pero nagulantang kami sa aming nakita...!

Atacchan: Heto yung litrato...talagang masasabi mong katakataka!

*Itim ang buong litrato*

Tinanggal mo ba ang takip ng lente?


Pahina 4:

*Sa may Isla Basura

Kuya, pinapunta namin sila dito!

*Sina Paulie, Iceburg, Tileston at iba pa ang kasalukuyang tulog*

Iceburg: Dumating sila, ha?

Luffy: Waaa!! Ang laki-laki!!

Chopper: Yan ba!!


Pahina 5:

Luffy: Hooooy!! Franky, andito na kami!! Ibigay mo na ang barko sa amin!!

Iceburg: Ah, dumating kayo... kaso nga lang umalis na si Franky. Pero, tapos na ang barko kaya ipapakita ko na lang 'to sa inyo para sa kanya.

Iceburg: Nagliwanag ang mga mata ko ng makita ko plano nya sa barkong 'to. Ito talaga yung makakalakbay sa karagatan.

Iceburg: Sa barkong 'to, ang paglakbay sa sulok ng mundo ay 'di na isang panaginip lamang. Yan ang gusto ni Franky na sabihin ko sa inyo...

Luffy: Ipakita mo na sa'min dali!

Iceburg: "Kung gusto mo talaga isang araw na maging Hari ng mga Pirata ay dapat sakyan mo ang barko ng Hari ng lahat ng mga hayop."


Pahina 6 at 7:

Grabe!! Ang laki-laki! Ayos 'to!

Luffy: Mukhang makakalusot to sa halos lahat ng lugar.

Chopper: Waaaaaw, binibigay mo talaga sa amin to!?

Zoro: Grabe..., dalawang Merry sigurado ang laki nito!

Nami: Ang lalaki ng mga layag!! Isang "sloop"!!

Sanji: Ang kusina, ituro mo sakin ang kusina!!

Robin: Isang napakagandang barko...!!


Pahina 8:

Robin: Anong klase ng bulaklak ang nakapalibot sa uluhan ng barko.

Iceburg: Ahhh, sigurado akong leon yan pero...

Luffy: At may damuhan pa sa papag!!

Chopper: At padausdusan!!

Robin: Pwede rin siguro tayong mag hardin dito...

Nami: Tingin ko ay maganda rin ang galaw nito sa paglalayag! Sa pamamagitan ng layag na yan!!

Iceburg: Ang tawag dyan ay brigantine sloop. Ang sloop ay isang barko na makakalayag kahit saan ka man dalhin ng imahinasyon mo.

Iceburg: Nabubuhay ito't namamatay sa kaalaman at kabihasnan ng maglalayag nito.

Nami: Tama, handa na ang kabihasnan ko! Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko!!


Pahina 9:

Sanji: May repridyeretor ito na may kandado gaya ng lagi kong pinagiginipan! At may higanteng hurno* pa ito! Salamat, Franky. Pinakamahusay talaga ang barkong 'to!

*oven

Luffy: Ay, Mamang Ice. Asan si Franky? Gusto kong sana syang pasalamatan.

Iceburg: Parang wala syang ganang makita kayong muli, Buli*, gusto nyo ba syang isama bilang karpentero nyo?

*Strawhat

Luffy: Oo! May Tama Ka! Nakapagpasya na ako, sya ang magiging karpentero namin!!

Iceburg: Sa tingin ko'y alam na rin nya yun.

Luffy: Ibig mong sabihin eh ayaw nya?

Iceburg: Baligtad nga eh. Pero, kapag tinanong mo sya ng harap-harapan eh walang siguro syang lakas na tanggihan kayo... kaya nagtatago sya ngayon.

Iceburg: Ay nako...ang totoong hangarin nya ay ang maglayag ng kasama kayong lahat.

Iceburg: Naiintindihan mo siguro ang nararamdaman nya ngayon dahil ito ang isang barkong talagang napamahal na sa kanya.

Iceburg: At napamahal na malamang si Franky sa inyo. Pero sa kanya, pakiramdam nya'y tungkulin nya ang pumirmi sa islang ito sa habang panahon.


Pahina 10:

Luffy: Tungkulin?

Iceburg: Kung ako tatanungin mo... isang kagaguhan yun.

Iceburg: Kung kayong lahat ay talagang...totoong gusto na sumama sya sa inyo...ay dapat gumamit kayo ng pwersa para sumama sya sa inyo.

Iceburg: Yan lang ang tanging paraan para maalis nyo sya dito.

Luffy: Pwersa kamo? Okey lang ba!?

*Sa mga eskinita: Mga natira sa Bahay Franky

Zanpai: Kuya, ba't ka bumalik?

Franky: Kailangan ko ba ng rason, ito ang Bahay FRANKY! Bahay ko 'to.

Zanpai: ...Sasabihin ko na 'to, Kuya!

Zanpai: Gusto mong sumama sa mga Buli, 'di ba!?


Pahina 11:

Franky: Anong kalokohan yan...

Franky: Syempre hindi...! Aber, tumingin nga kayo sa paligid...sa mga kakayahan nyo...hindi nga kayo makatayo ng isang bahay.

Zanpai: Kababalik lang namin galing sa pangungulit sa mga Buli. Para siguradong isama ka nila, Kuya!

Franky: Mga bobo! 'Di ko kailangan ang tulong nyo!!!

Zanpai: Pero, nakapagpasya na ang taong yon!! Gusto nya na maging "karpentero" ka nila!!

Franky: At ba't ko ba kailangan magpira-piratahan.

Zanpai: Alam namin sa kakatingin lang sayo!!!

Zanpai: Yan yung unang pagkakataon na nakita ka naming gumawa ng barko, pero...!!

Zanpai: Nagulat kami ng makita namin ang kasiyahan sa mukha mo. Sa kauna-unahang pagkakataon lang talaga naming nakita kang nasisiyahan, Kuya!

Zanpai: Alam mong naghahanap ang mga Buli ng karpentero, 'di ba!? Sinadya mo talagang umalis, ano!?


Pahina 12:

Zanpai: Tingnan mo 'to, Kuya.

Franky: Isang nakapaskil na pababala!! At kumakalat na ito ha.

Zanpai: Hindi ka na pwedeng manatili dito. Ayaw naming maging hadlang sayo!

Franky: 'Wag ka ngang sumabat. Anong pakialam ko sa mga marino!

Franky: Ako yung kumupkop sa inyo nang lahat kayo'y halos nagaagaw-buhay na sa mga eskinitang 'to.

Franky: Hindi nga yata kayo mabubuhay ng wala ako pagkatapos ngayon ay...

Franky: Ano!!?

Big guy: Nakuha ko!! Na sakin na ang brip nya!!!

Zanpai: Brip!? Anong gagawin mo sa brip ny...teka!! Yan nga!! Pagpasa-pasahan nyo ang brip nya! 'Wag nyong ibabalik!


Pahina 13:

Franky: Ibalik nyo ang brip ko, mga tarantado kayo! Paborito ko yan!!

Magsikalat kayong lahat!

Franky: Magaling! Naisip nyo na ba na kahit magsama-sama pa kayo'y 'di nyo ako kaya!!!

Zanpai: Ang kailangan lang naming gawin ay siguraduhing may isa samin ang umabot don! Dalhin nyo yan sa mga Buli! Dalhin nyo yang brip sa Isla Basura!

Franky: MALAKAS na kanan!

Waaaaa! Kapatid PASAAAAAAA!! Tumakbo ka papuntang timog silangan!


Pahina 14:

Ano bang kaguluhan 'to? Ano ba yan, ang bastos! Naloloko na si Franky! Na naman? Masisira nya naman 'tong syudad!

Hoy teka, ang taong yan...! Walang syang suot pambaba!

Kyaaaaaa

Papasukin mong mga bata, hindi nila dapat makita ang bastos na yan!

Gumagawa ka ng malaswang eksena! Aarestuhin kita!!

Dalhin mo ang brip na yan sa kanila!


Pahina 15:

Magiging lugar ng giyera ang mga eskinita.

Big Guy: Putsa! Ang paa ko...'Di ko na kaya..hanggang dito na lang ako...

Luffy: Hoy! Pasa mo! Dito Oh!

Buli!?

Luffy: Itapon mo dito!!

Franky: !!...Buli!


Pahina 16:

Franky: Ikaw...!!

Luffy: Okey! 'Di pa ako nakakita ng ganoong ka astig na barko. Salamat!!

Dumadaan: Bastos! Lumayo ka! Mabulok ka sana!!

Franky: ...Syempre hindi pa... Nasunod ko lahat ng mga bilin nyo sa ASTIG na disenyo ko! Nakita mo na ba ang “Soldier Dock System” na inimbento ko!?

Luffy: 'Di pa!

Franky: Yan ang pinakamagandang parte ng barko. Magugustuhan mo talaga 'yon!

Franky: Eh yung fish pond!?

Luffy: Nakita ko na.


Pahina 17:

Franky: Ilagay nyo sa fish pond yung mga huli nyong isda at pwede nyo itong panoorin sa ilalim ng papag na parang aquarium.

Franky: Dun dapat kayo kumain ng hapunan!! Tapos makakakain pa kayo ng sariwang isda kung kelan nyo gusto!!

Franky: Para sayo at sakin, yan ang pinakamagandang "pinapanaginipang barko"! Kaya ibalik mo yang tanginang brip ko!

Luffy: Chopper!!

Chopper: Oo.

Pamilya Franky: Umaasa kami sayo, Roronoa at kaibigan.

Zoro at Sanji: Kaming bahala.

Franky: Hmm!?

*Nailagay si Franky sa isang kanyon

Pamilya Franky: Marka, Isla Basura! Ang sikat na Pamilya Franky....!

Pamilya: Iputok mo!! “Iputok Lahat Kanyon”!!


Pahina 18:

Chopper: Haa? Nauna pa sya sa brip nya!!

Luffy: Humawak ka, Chopper!

Luffy: Gumo Gumo ROCKET

*Isla Basura

Waaaa! Tingnan mo, ang bastos! Ano ba yan!!!

Pamilya Franky: Kuya!

Iceburg: O, ano ba to?

Franky: OOOF!!

Luffy: Franky!!


Pahina 19:

Luffy: Ang barko!! Salamat!!! Ito ang pinaka-asitg na barko!! Aalagaan namin ng mabuti 'to!!

Franky: O sige... Sana ligtas kayo ang paglalakbay nyo.

Luffy: Kung gusto mong ibalik ko ang brip mo, dapat sumama ka sa amin bilang isang kasapi!!!!


Kaliwang Tala: Paano ito sasagutin ni Franky?

Have you shown your appreciation today? Click the thanks button or write your appreciation below!

Comments
Add your comment:

Login or register to comment

Benefits of Registration:
    * Interact with hundreds of thousands of other Manga Fans and artists.
    * Upload your own Artwork, Scanlations, Raws and Translations.
    * Enter our unique contests in order to win prizes!
    * Gain reputation and become famous as a translator/scanlator/cleaner!
No comments have been made yet!

About the author:

Alias: mangadictus
Message: Pm | Email

Author contributions

Translations: 30
Forum posts: 3120

Quick Browse Manga

collapse

Translations of this Chapter

Date Chapter Language Translator
Jun 22, 2008 436 es damnz
Dec 5, 2006 436 fr kadodo
Nov 30, 2006 436 en pocketmofo
collapse

Latest Site Releases

Date Manga Ch Lang Uploader
Mar 1 MH Yearbook 2013 Mangahe...
Jan 19 MH Yearbook 2012 1 Mangahe...
Nov 14 Houkago 1 Osso
Nov 14 Oragamura 1 Osso
Nov 14 Kenka 1 Osso
Nov 14 101Kg 1 Osso
Nov 14 Murder 1 Osso
Nov 14 Doubles 1 Osso
Nov 14 Pinknut 1 Osso
Nov 14 Kimagure 1 Osso
collapse

Latest Translations

Date Manga Ch Lang Translator
Apr 16, 2014 Naruto 673 de KujaEx
Apr 16, 2014 Toriko 274 en kewl0210
Apr 16, 2014 Hitoribocchi no... 9 en Bomber...
Apr 15, 2014 Rock Lee's... 32 fr Aspic
Apr 15, 2014 Acchi Kocchi 43 en Sohma Riku
Apr 15, 2014 Gintama 489 en kewl0210
Apr 14, 2014 One Piece 744 en cnet128
Apr 14, 2014 Bleach 576 en cnet128
Apr 13, 2014 Naruto 672 en aegon-r...
Apr 13, 2014 Bleach 576 en BadKarma