shinjowy Releases
Translation: Naruto 335
This translation in Filipino is based on njt's translation of Naruto
Ang salin na ito ay base sa salin ng Naruto ni njt
Pahina 1
Nagagamit niya ang elementong lupa, hangin, tubig, at ngayon, apoy!
Kakashi: Ano!?
Nakakagamit rin siya nang "Katon"? (Katon = elementong apoy)
Pahina 2
Ang ika-335 na kabanata ng Naruto: Ang Nakakikilabot na Sikreto
Shikamaru: Chouji, Ino, ayos lang ba kayo?
Ino: Ayos lang!
Chouji: Oo naman!
Pahina 4
Hidan: Ayon sa inaasahan, magaling ka nga talaga...
Chouji: Ok ka lang ba, Kakashi-sensei?
Kakashi: Oo...
Kakashi: Kaso nga lang...
Apat na beses ko nang ginamit ang Raikiri kasabay nang Sharingan...
Mukhang hindi na ako pwede magsayang pa nang oras...
Ino: Perpekto ang kanilang pagtutulungan...
Pahina 5
Chouji: Direktang tinamaan yung isang yun nang Raikiri... pero bakit hindi pa siya patay?!
Kakashi: Kung tinamaan ko nga nang direkta ang kanyang puso...
Natural lang na asahan natin na patay na siya.
...Pero
Ang tinamaan nang aking pag-atake ay yung isa sa mga halimaw na naninirahan sa katawan niya.
Kaya tama lang siguro na ipag-palagay natin na sa halip na siya ang mamatay, ang halimaw ang siyang nasawi.
Shikamaru: Napansin ko rin na nung nakawala siya sa Kagemane Shuriken
Pahina 6
Shikamaru: May nakakabit na bagay na para bang isang puso sa kanyang kamay
At nakakagalaw ito na para bang may sariling hangarin.
Chouji: ...At...
Ano ang ibig sabihin nito?
Shikamaru: Ibig sabihin, meron sigurong puso sa loob ng bawat isang halimaw na lumabas sa kanyang katawan.
At bawat isa sa mga pusong iyon ay kanya.
At dahil dito, pwede mo na ring sabihing mayroon siyang limang puso.
Chouji: Posible ba yun...?
Shikamaru: Wala na ang isa sa mga puso niya dahil sa Raikiri ni Kakashi-sensei
Pahina 7
Ino: Kung ganoon, para lang mapatay ang isang yan kailangan pa nating wasakin ang natitirang apat?
Shikamaru: Oo...
Kakuzu: Magaling ka at napansin mo ito...
Kinuha ko ang bawat isa sa mga pusong ito sa mga shinobi na matagal ko nang nakalaban at napatay.
Mukhang kailangan ko nang kumuha nang bago.
Kukunin ko na lang ang sa inyo!
Kakashi: Ganun pala
Kinukuha niya ang mga puso nang iba-t ibang mga tao at inilalagay niya ang mga ito sa loob nang kanyang katawan gamit ang "acupuncture"
At hindi lang yun, napanatili pa niya ang mga elemento ng chakra nang bawat isa.
Ito ang dahilan kung bakit nagagawa niyang mag-manipula nang iba't-ibang mga elemento...
Hidan: Huwag mong mamaliitin kaming mga imortal!
Pahina 8
Kakashi: Shikamaru, paano mo sila lalabanan?
Shikamaru: Sa tingin ko, mas makabubuti kung maghihiwalay tayo sa dalawang grupo.
Una sa lahat, kailangang mapigilan natin ang kanilang mga kombinasyon.
Kapag napatay na natin sila nang apat na beses, kailangan nating pagtulungan yung kalabang pwede nating patayin.
Kakashi: At ang ibig sabihin nun, kailangan nang isa sa atin na tutukan si Hidan.
Ino: Akong bahala sa kanya.
Pahina 9
Ino: Marami pa akong chakra, at isa pa, hindi rin naman ako makakatulong sa isang direktang pakikipag-laban.
Gagamitin ko na lang ang aking Shintenshin jutsu.
Shikamaru: Hindi pwede.
Isang combo jutsu ang iyong Shintenshin na pwede lang magamit kapag nahuli na nang Kagemane jutsu ko ang kalaban.
Hindi ka makakabalik sa iyong katawan nang ilang minuto pag magmintis ka... Masyadong mapanganib.
Ako na lang ang bahala sa kanya.
Sa sandaling mahuli ko siya gamit nang Kagemane ko, lalayo na ako sa lugar na 'to.
Kakashi: Pero ang problema ay PAANO mo siya huhulihin...
Kailangan mo ng tulong nang isa sa amin para kunin ang kanyang atensyon.
Chouji: Eh di ako ang gaganap nang parteng iyon.
Pahina 10
Shikamaru: Hindi rin ako makapapayag diyan.
Kung makakuha siya nang kahit na konting dugo galing sa iyo, siguradong patay ka.
Pero sa palagay ko, hindi niya inaasahang aatakihin natin siya nang direkta.
Chouji, ipunin mo na lang ang chakra mo para matulungan mo si Kakashi-sensei laban dun sa mga naka-maskarang halimaw.
Hidan: Hoy, ano ba yang mga pinag-uusapan niyo diyan?! Simulan na natin 'to!
Shikamaru: Kaya ko siyang hulihin mag-isa.
At pagkatapos, ako na ang bahalang gumanap nang papel na iyon.
Pahina 11
Kakashi: Sige, naiintindihan ko.
Si Shikamaru na ang bahala sa lahat.
Kakashi: Shikamaru... Eto...
Shikamaru: Oo...
Pahina 12
Hidan: 'Yan na naman?
Natatakot ka na ba sa aking lakas at sa aking nakasisindak na sandata? Hah?!
Sa ganitong patagong paraan ka na naman umaatake! Wala ka talagang kwenta!
Pahina 13
Kakashi: Ako ang kalaban mo!
Hidan: Masyadong mabagal!
Hidan: Ginamit niya yung anino niya para itapon yun?!
Pahina 15
Ino: Hindi niya kayang umilag sa ere! Huli na natin siya!!
Hidan: Heh... Sorry ka na lang
Basta't hindi ko inaalis ang mga mata ko sa anino mo, walang kwenta ang jutsu na ito
Pahina 16
Hidan: A-ano?!?
Pahina 17
Shikamaru: Ang aking mga atake ay hindi lang galing sa malayo!
Tagumpay... ang aking Kagemane no Jutsu!!